Friday, March 14, 2008

Life tapestry

Bakit ganun ganyan (Part II)

Mas pakiramdam kong mag-tagalog ngayon. Sa mga taong ayaw mahawa sa komplikado kong pag-iisip ngayon, mas mainam pong wag niyo nalang pong basahin ito. =)

Sadyang may mga bagay na kay hirap intindihin o hindi ko lang talaga sya naintindihan o sadyang ayaw lang ipaintindi sa akin.

Dahil dito, bumalik sa aking ala-ala ang paalaalang sadyang sa buhay may mga bagay na dapat paniwalaan nalang, sundin kesa naman ma syak o mabagot ako sa kaka-antay ng sagot kung bakit ganito ganyan.

Sadyang may mga importanteng bagay pa akong dapat gawin ngayon, pero para paalalahan ang aking sarili kaya ko po pilit na tinitipa ang mga salitang ito, para naman mabawasan ang mga salitang gusto ko pong bigkasin pero wala akong makausap, computer lang. =)

Hay naku, sadyang ganun lang talaga. Balik trabaho na muna ako, para naman may magawa akong kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino, mga mumunting bagay sa pagligtas sa bansang pilit na niyuyurakan ng mga taong walang magawa sa buhay.


Ayan, as simple as that, masaya na ulit ako. Ganoon la'ang. accept ng accept, learn ng learn, smile ng smile, kasi masarap mabuhay sa mundong ibabaw.Lantakin natin ito ng may kasayahan, kagalakan at pasasalamat.

Sa mga taong nagbabasa nito, pasensya sa abala.

1 comment:

Anonymous said...

SADYANG GANYANG TALAGA ANG BUHAY NG TAO S MUNDO IKA NGA NG ISANG COMPOSITOR PAG D K NATAWA AY D MO NAIINTINDIHAN".PLS PAKI ABOT MO S AKIN MGA MAHAL N KAPATID N MATAGAL KO N SILANG HINAHANAP AKO NGA-PALA KUYA ROLDAN.THIS MY EMAIL NADLOR117@YAHOO.COM.PH LUCATION SAUDI ARABAI.SHALOM.