I-blog mo
Sadyang natural na sa tao ang pagsusulat. Pero kung ikaw ang isa sa mga nabibigo ng magsulat sa mga napupunit, naluluma at maaring mawalang mga papel, mas mainam kung i-blog mo nalang.
Ang patuloy na pag-usbong ng teknolohiya ng Pilipinas ang nagbigay daan sa tinuturing isa sa pinakabagong pamamaraan ng komunikasyon sa pamamagitan ng internet, ang pagba-blogging.
Ang blog ay maituturing ding isang diary na naglalaman ng mga saloobin, pananaw at opinyun na kadalasang tumutukoy sa mga pampersonal na isyu. Maari rin itong maging isang album na naglalaman ng mga kalipunan ng mga larawan.
Ang blog ang sinasabing pinakabukas at libreng paraan, na nagbibigay kapangyarihan sa isang ordinaryong mamamayan na ipahayag at isalarawan ang isang pangyayari diretso mula sa paningin ng saksi.
Maari ring ang isang blog ay naglalaman ng mga kalipunan ng mga sanaysay,
“It (blogging) helps me to reach people beyond my verbal reach,” ani Badrud Doza, isang political blogger mula
Nagiging interactive ang komunikasyon at nagkakaroon ng diskusyon sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga mensahe at puna galing sa mga mambabasa.
Ang iba naman ay ginagawang pagkakitaan ang pagba-blog. Isang bagay na maaring gumana at maari ring hindi sa isang blogger.
Maaring malaman ng blogger ang pinagmulan at tagal ng pagbabasa ng kanyang mga mambabasa sa pamamagitan ng iba’t ibang statistics program. Kung gaano ka detalye ang program ay depende na sa program na ginamit.
Iilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit marami ang mga nalolokong mag blog.
Ang blogging ay hindi lamang para sa mga baguhan. Pati mga prominenteng tao ay nahuhumaling dito. Maging si Bill Clinton man ay may sariling blog.
Hindi din hadlang ang edad. Bata man o matanda ay maaring magkaron ng blog basta’t may kapasidad itong maipahayag ang sarili at may sapat na kaalaman pagdating sa computer.
Nasa blogger ang desisyon kung nanaisin niyang gawin ang kanyang blog sa isang journal o pahayagan na format at pampubliko o pribadong account. Maliban sa pagsusulat, na-ipapakita din ng may-akda ang kanyang gawaing sining sa pamamagitan ng kabuuang tema at ayos ng blog.
Kung gusto mong mag-umpisa ng blog, maari kang mag-register sa mga libreng blog networks
Sa pamagitan ng isang blog, malayang makapagpahayag ng saloobin ang isang blogger. Pero kakabit ng kalayaang ito, ang responsibilidad ng pagiging tapat sa sarili sa kung anu ang katotohanan at tama dahil sa pamamagitan ng internet, abot ng blog mo ang mundo.
1 comment:
Blogging is the best way of expressing oneself.
Thanks Chelyn for your fascination for blogging.
Post a Comment